Viral ang video ng isang content creator na si Thine Medala na dumudura umano sa holy water font ng St. John the Baptist Parish sa Jimenez, Misamis Occidental.
Sa video, kitang-kita ang babae sa loob ng simbahan kung saan hinawi muna ang kanyang buhok at saka ginawa umano ang pagdura.
Agad nag-utos si Archbishop Martin Jumoad ng pansamantalang pagsasara ng simbahan upang ibalik ang kabanalan nito, tinawag itong “grave act of sacrilege” sa kaniyang decree nitong Agosto 5.
Bubuksan muli ang simbahan matapos maisakatuparan ang mga penitensyal na hakbang at pastoral assessment.
Samantala, mariing kinukondena ng mga netizens ang insidente, tinutuligsa ang pambabastos sa sagradong lugar para lamang sa views.
Naglabas naman ng pahayag si Medala at sinabing wala siyang masamang intensyon at hindi siya dumura, kundi “nag-wish lang.”