Opens in a new tab
Skip to content
Batangas Province

Dalawang lalaki, sugatan sa pamamaril sa Lipa City, Batangas; suspek, tinutugis

crime scene do not cross signage

Sugatan ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Purok 3, Barangay Antipolo del Norte, Lipa City, Batangas, alas-8:20 ng gabi nitong November 11.

Batay sa initial investigation ng Lipa City Police, pauwi na sakay ng motorcycle ang mga biktimang sina Earl, 45-anyos, at Jov, 67-anyos, nang unahan sila ng dalawang lalaking sakay din ng motorsiklo.

Pagdating sa kurbadang bahagi ng kalsada, hinarangan umano ng mga suspek ang kanilang daan bago bumunot ng baril ang back rider at nagpaputok ng isang beses.

Tinamaan sa tiyan si Earl at tumagos ang bala na tumama naman sa kanang binti ni Jov, na nagkaroon ng pasa ngunit hindi nabutas ang balat.

Agad tumakas ang mga suspek patungo sa hindi pa matukoy na direksyon, habang isinugod naman sa Hospital ang dalawang biktima. Pareho silang conscious at sumasailalim sa medical treatment batay sa police report.

Humingi na rin ng tulong ang pulisya sa SOCO para sa crime scene processing at pangangalap ng forensic evidence.

Patuloy ang imbestigasyon, kabilang ang pag-review sa CCTV footage at follow-up operation para matukoy ang mga suspek at ang motibo sa krimen. | BChannel news