Nasabat ng mga awtoridad ang mahigit 600 kahon ng hinihinalang smuggled na sigarilyo sa isang pribadong pantalan sa Mobo, Masbate noong March 31.

Ayon sa ulat, sakay ito ng 10-wheeler truck na galing pa ng Bogo, Cebu at balak sanang i-biyahe papuntang Pio Duran, Albay nang matunugan ng mga operatiba sa tulong ng K9 unit ng Philippine Coast Guard.

Sa isinagawang inspeksyon, umabot sa tinatayang 637 kahon ng sigarilyo ang nadiskubre, kung saan bawat kahon ay may lamang 500 kaha.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng pulisya ang mga nasabat habang nagpapatuloy ang imbestigasyon para matukoy ang mga responsable at masampahan ng kaso ang mga sangkot sa iligal na operasyon.