Opens in a new tab
Skip to content
Local

Dalawa patay sa salpukan ng SUV at motorsiklo sa Tanza, Cavite; driver arestado

yellow crime tape against police car

Arestado ang isang 49-anyos na driver matapos masawi ang dalawang tao sa salpukan ng isang SUV at motorcycle sa Antero Soriano Highway, Barangay Lambingan, Tanza, Cavite, madaling-araw noong October 25, 2026.

Kinilala ang suspek na si Alejandro, driver ng SUV. Siya ay nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Two Counts of Homicide and Damage to Property.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Tanza Municipal Police Station, binabaybay ng SUV ang highway patungong Tanza Proper at nasa inner lane nang mabangga ito ng motorsiklong patungong Naic, Cavite.

Sakay ng motorcycle ang 37-anyos na si Errol at ang angkas na si Rose. Pareho silang isinugod sa Hospital para sa medical treatment, ngunit idineklara silang dead on arrival.

Dakong alas-1:40 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente, na iniulat sa pulisya bandang alas-9:40 ng umaga sa parehong araw.

Nasa kustodiya ngayon ng Tanza MPS ang suspek habang inihahanda ang kaukulang pagsasampa ng kaso.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa aksidente.