Isang bagong destination para sa hospitality, leisure, at events ang hatid ng SotoGrande Hotel and Convention Center sa Bauan, Batangas, kasabay ng opisyal nitong pagbubukas at festive Christmas Lighting Celebration nitong November 15, 2026.
Panoorin ang ulat |
Matatagpuan sa Diversion Road corner Catalina Avenue, Barangay Manghinao Uno, Bauan, Batangas, layunin ng bagong development na magbigay ng panibagong lugar para sa relaxation, accommodation, celebrations, at iba pang memorable experiences para sa mga bisita.
Naging tampok sa grand opening ang ribbon-cutting ceremony na pinangunahan ni Bauan Mayor Wendah Katrina R. Dolor, kasama ang mga kinatawan ng Department of Tourism o DOT CALABARZON, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Miss World Philippines Batangas, Miss World Philippines Ibaan, Batangas, at Sta. Lucia Land Inc. President and CEO Mr. Exequiel D. Robles.
Kasabay nito ang ceremonial lighting ng kanilang 20-foot giant Christmas tree na nagbigay ng festive atmosphere sa pagdiriwang.
Ayon kay Jason Robles, Vice President for Project Development ng Sta. Lucia Land, ang kauna-unahang Christmas tree lighting ay sumisimbolo sa mga bagong oportunidad, koneksyon, at posibilidad para sa Bauan. Umaasa rin siyang mas maraming turista ang bibisita, makalilikha ng magagandang alaala, at muling babalik sa bayan.
Ibinahagi naman ni DOT CALABARZON Regional Director Marites Castro na makatutulong ang naturang development sa pagpapalawak ng tourism opportunities sa Bauan at iba pang bahagi ng Batangas.
Kilala ang Batangas sa magagandang beaches, resorts, mountains, at iba pang natural attractions na patuloy na dinarayo ng mga turistang naghahanap ng pahinga at bagong travel experiences.
Bilang bahagi ng kanilang hospitality offerings, may outdoor swimming pool, restaurant, bar, at free private parking ang SotoGrande Hotel and Convention Center, na naglalayong maghatid ng kumportableng accommodation at leisure experience sa mga bisita.
Nagbigay-kulay rin sa grand opening ang performances ng Sta. Teresa College Youth Choir at Children’s Choir, dinner para sa mga panauhin, at live entertainment mula sa Brownman Revival.
Bukod sa hotel at convention facilities, ipinakikilala rin ng SotoGrande ang vision nito para sa lakeside living and hospitality sa pamamagitan ng mga planong condominium at condotel offerings, na nagbubukas ng karagdagang possibilities para sa future residential at investment opportunities. #BCBrandLab