Nasakote ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG ang anim na katao, kabilang ang tatlong Chinese, sa isinagawang operasyon sa Binondo, Maynila noong July 5.
Ayon sa CIDG Anti-Organized Crime Unit, ang mga suspek ay nahuli habang nagbebenta ng 37 iPhone at 263 iPad units na tinatayang nagkakahalaga ng ₱3.5 milyon — lahat umano’y walang clearance mula sa NTC at DTI.
Kinilala ang mga banyagang suspek na sina Hong, Yanchun, at Zhong, habang sina Erica, Ashley, at Annie naman ang mga Pilipinong kasabwat.
Ayon kay CIDG Acting Director PBGEN Romeo Macapaz, ang operasyon ay bahagi ng kampanya para protektahan ang mamimiling Pilipino laban sa mapanganib at pekeng electronics. | BChannel NEWS