Simula school year 2025-2026, hindi na gagamitin ang Mother Tongue bilang pangunahing wika sa pagtuturo mula Kindergarten hanggang Grade 3.
Ayon sa bagong kautusan ng Department of Education sa bisa ng DepEd Order No. 020, series of 2025, ang magiging medium of instruction na ay Filipino at English, kasama na rin ang Filipino Sign Language para sa mga batang may kapansanan sa pandinig.
Gagamitin na lang ang mga rehiyonal na wika bilang pantulong na wika sa pagtuturo, kung kinakailangan.
Ito ay alinsunod sa bagong batas na Republic Act 12027, na binago ang dating polisiya ng paggamit ng Mother Tongue-Based Multilingual Education.
Nilinaw rin ng DepEd na ang mga paaralan na pasok sa requirements—gaya ng mga may programang para sa mga katutubo—ay puwedeng ipagpatuloy ang paggamit ng Mother Tongue, pero hindi na ito sapilitan.
Layon ng pagbabago na mapadali ang pagkatuto ng mga bata at maiwasan ang kalituhan sa mga lugar na maraming ginagamit na wika. | BChannel NEWS