Isang babae ang nasawi matapos umanong bumangga ang kanyang minamanehong motorsiklo sa isang L300 van sa Payatas Road, Mayon Avenue, Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal pasado alas-2:30 ng hapon nitong November 28.
Ayon sa imbestigasyon ng Rizal Police, magkasalungat ang direksiyon ng dalawang sasakyan.
Galing Quezon City ang L300 habang papuntang Brgy. Silangan ang motorsiklo. Sinubukan umanong iwasan ng lady rider ang malaking batong nasa gitna ng kalsada, kaya nawalan siya ng balanse at sumalpok sa L300. Tumilapon siya at napailalim sa sasakyan.
Agad siyang dinala sa Hospital pero idineklara siyang dead on arrival. Naaresto naman ng TMRU personnel ang driver ng L300, kinilalang si Aris, matapos silang unang rumesponde sa insidente.
Ayon sa mga kuhang larawan ng pulis, nasa ilalim ng L300 ang motorsiklo at nangyari ang banggaan sa lane mismo ng van.
Dinala sa istasyon ng pulisya ang driver ng van para sa tamang disposisyon.| BChannel news