Nag-iisang manlalaro mula sa Tanauan, Batangas ang nanalo ng P5.94 milyon matapos mahulaan ang winning combination na 07-13-05-30-24-12 ng Lotto 6/42 draw nitong Sabado Nobyembre 27 ng gabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO, tatlong magkakasunod na gabi nang may nagiging instant milyonaryo dahil sa paglalaro ng Lotto, habang pang-pito naman ito sa buwan ng Nobyembre.