Pumanaw na ang Mayor ng Lemery Batangas na si Mayor Eulalio “Larry” M. Alilio bandang 10:38 PM ng December 14, 2021 sa St. Lukes Medical Center matapos itong makipaglaban sa sakit.
Naglingkod ang alkalde sa mga Lemereno nang higit sa isang dekada.
Dalawang araw bago pumanaw ang alkalde ay nakapag post pa ng video sa kanyang facebook at nag hatid pa ng pagbati sa darating na kapaskuhan at gayun din pag hingi ng paumanhin na di niya makakaulayaw ang kanyang mga kababayan sa Lemery dahil sa dinaranas na karamdaman at tanging ang kanyang anak na si Ian Alilio ang kakatawan sa ngalan niya.
Dagdag pa ni Mayor Alilio na sana ay matapos na ang pandemic na kinakaharap ng buong mundo lalong lalo na ang pilipinas ng upang muling bumalik sa normal na pamumuhay.
Nangako rin ang alkalde na kakayanin ang karamdaman upang patuloy na mapagsilbihan ang mga Lemenereños at ang bayan ng Lemery.