fbpx

Anim nasawi, apat sugatan sa isang panghoholdap sa north cotabato

Anim na tao, kabilang ang isang pulis at isang sibilyan ang napatay habang apat na iba pa ang nasugatan matapos ang palitan ng putok ng baril sa North Cotabato, ayon sa ulat ng isang opisyal nitong Huwebes.

Ayon sa ulat, sumiklab ang putok ng baril matapos salakayin ng isang dosenang armadong tulisan ang isang Bakeshop sa Barangay Bagontapay.

Nasa P17,000 at mga personal na gamit ang kinuha ng mga magnanakaw sa establisimyento.

Saad ng pulisya, tumakas ang mga kawatan patungo sa iba’t ibang direksyon kasama ang dalawa sa kanila na sakay ng nakaw na motorsiklo.

Dagdag pa niya, nasugatan din ang isang sibilyan matapos itong pagbabarilin ng isa sa mga suspek para ilihis ang atensyon ng tumutugis na police team.

Narekober ng mga otoridad ang apat na kalibre .45 na baril mula sa mga napatay na tulisan at apat na motorsiklo na pinaniniwalaang ginamit ng mga miyembro ng gang habang tumatakas mula sa pinangyarihan ng krimen

About Author