Narekober na ang mga bangkay ng mag-ama ngayong araw, matapos matabunan ng landslide ang kanilang tahanan sa Purok 3, Barangay Mialen Oroquieta City, Misamis Occidental dulot ng malakas na ulan noon pang Sabado.
Sa ulat ng otoridad, pumalo na sa tatlong katao ang nasawi sa naturang lungsod dahil sa walang humpay na pag-ulan.
Sa mga larawan ng PIA, makikita ang mga kalsada na lubog na sa baha at halos baywang na ang sinusong nilang tubig-baha.
Hinimok na ni Oroquieta City Mayor Lemuel Meyrick Acosta ang mga residente na lumikas na agad sa mga lugar na madaling bahain para sa kanilang kaligtasan. | 1st PMFC Misocc/PIA