fbpx

RIDER, BUMANGGA SA ISANG SUV; PATAY

Dead on arrival sa ospital ang isang lalaki makaraang bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang SUV sa national highway sa Brgy. Barangobong, Sta. Lucia, Ilocos Sur.

Kinilala ng pulisya ang driver ng rider na si Kenneth Dolores, 22 anyos, habang ang driver ng SUV ay si Louie Fragante, 38 anyos.

Sa ulat ng otoridad, patungong timog na direksyon ang SUV samantalang ang motorsiklo naman ay patungong hilagang direksyon.

Sinasabing umagaw umano ng linya ang motorsiklo kaya nagkasalubong sa west lane portion ang dalawang sasakyan at dito na nangyari ang banggaan.

About Author