fbpx

MAG-INA, WALANG-AWANG PINAGSASAKSAK NG ISANG LALAKI HANGGANG SA MAPATAY

Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng kanyang live-in partner ang isang misis at ang ina nito sa mismong araw ng Pasko sa Purok 2, Mababang Lupa, Barangay San Agustin, Hagonoy, Bulacan.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jenny Rose Lorenzo at ang kanyang ina na si Dory Navarro habang nadakip ng pulisya ang suspek na si Boyet Panzo, ang ka-live-in ni Jenny.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang misis at ang suspek na lango sa alak. Sa gitna ng pagtatalo, pinagsasaksak na lang bigla nya ang misis at ang ina nito.

Bukod pa rito, tinangka rin saksakin ang anak ni Jenny at ang 3-buwang gulang na pamangkin, na nailigtas ng mga sumaklolong kapitbahay. Sa ngayon nasa kustodiya na ang suspek at sasampahan ng kasong double murder at attempted murder.

About Author