Isang pampasaherong jeep ang aksidenteng nagtuloy-tuloy pumasok sa lobby ng Trinity Women and Children Hospital sa Sta. Ana, Manila nitong Linggo ng umaga.
Patay agad ang isang lalaki na si Noe Ocenar Abaigar na isang motorcycle rider habang nasugatan naman ang security guard na si SG Marvin Pelaez y Garcia.
Sa ulat ng pulisya, tumilapon ang rider nang mahagip ng jeep bago ito magtuloy-tuloy sa lobby ng naturang ospital.
Sa inisyal na imbestigasyon, binabaybay ng jeep ang pakanlurang direksyon ng Phil St., Sta. Ana nang maplatan ng gulong at magpagewang-gewang dahilan para mawalan ito ng kontrol.
Sa ngayon, hawak na ng pulisya ang driver ng jeep na si Ronaldo Fanis at patuloy ang ginagawang imbestigasyon