fbpx

Rider at angkas nito, patay matapos mabangga ng truck van sa Batangas

crime scene do not cross signage

Dead on arrival sa ospital ang isang 17-anyos na rider at angkas nito na 34-anyos sa isang aksidente sa kahabaan ng Don Luis San Jose, Batangas.

Sa imbestigasyon ng kapulisan, sinubukan ng motorsiklo na mag-overtake sa isa pang sasakyan nang aksidente itong dumausdos at nabundol ng kasalubong na truck van.

Patay agad ang rider habang isinugod naman ng mga rumespondeng otoridad ang angkas nito sa ospital subalit binawian na din ng buhay.

Kasalukuyan nasa kustodiya na ng pulis ang driver ng truck van na mahaharap sa karampatang kaso.

About Author