Arestado ang isa sa mga suspek sa pagnanakaw ng isang shoulder bag na naglalaman ng P5,500 sa isang bahay sa Sta. Rita Karsada, Batangas City, nitong Linggo.
Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na sila Darel Garcia, 27 taong gulang, residente ng Brgy. Libjo, Batangas City at Christian Jay Garvacio, pawang nasa hustong edad, nakatira sa Brgy. Malitam, Batangas City.
Sa report ng mga pulisya, nakalagay ang naturang shoulder bag sa isang lamesa katabi ng bintana ng bahay ng biktima.
Ayon pa sa report, nahabol pa ng biktima ang mga suspek na nagresulta sa pagkakaaresto ni Garcia at pagbawi ng naturang bag at pera.
Samantala, patuloy pa din ang paghahanap sa isa pang suspek na si Garvacio.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na si Garcia at mahaharap sa karampatang kaso. | J.Laydia intern