fbpx

ISANG RIDER, PATAY MATAPOS BUMANGGA SA PUNO SA CALATAGAN, BATANGAS

Patay ang isang rider matapos ito bumangga sa puno sa Barangay Balitoc, Calatagan, Batangas.

Kinilala ang mga biktima na si Jonel Name, 30-anyos habang ang back rider naman ay si Romeo Name, 54-anyos, ama ng nasawi at parehong residente ng Apacible Blvd, Brgy. Wawa, Nasugbu, Batangas.

Ayon sa imbestigasyon ng Calatagan Police, bandang alas-9:00 ng gabi ng Abril 12, 2023, habang tinatahak ng driver ng motorsiklo ang national highway ng Barangay Balitoc papunta sa direksyon ng Barangay Gulod nang bigla na lamang itong mawalan ng kontrol sa manibela ng motor dahil sa madulas na bahagi ng daan, dahilan para bumangga ito sa isang puno.

Binawian naman agad ng buhay ang driver habang ang back rider naman ay nagtamo ng matinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito.

Agad namang dinala ang back rider sa ospital para sa paunang lunas. | C.Hernandez intern, BChannel News

About Author