fbpx

BRGY. TREASURER, PATAY MATAPOS BARILIN NG DATING LIVE-IN PARTNER SA LAUREL, BATANGAS

Patay ang isang brgy treasurer matapos barilin ng kanyang dating live in partner sa Brgy. Paliparan, Laurel, Batangas nitong Linggo bandang alas-2:20 ng hapon.

Nakilala ang biktima na si Sheila Avelino, 40-anyos na residente ng Brgy Paliparan, Laurel Batangas at kinilala naman ang suspek na si Marlon Balani, 40-anyos  na residente din ng nasabing barangay.

Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, habang naglalakad ang biktima sa kanilang barangay ng makita nito ang suspek ng walang pag-aalinlangan ay pinagbabaril nito ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan.

Isinugod naman ang biktima ng BFP Laurel sa isang hospital sa Talisay, Batangas ngunit dead on arrival na ito nang dumating habang ang suspek naman ay tumakas matapos gawin ang krimen.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa naturang krimen maging ang motibo ng suspek sa pagpaslang.

Samantala nitong lunes ng umaga, boluntaryong sumuko sa tanggapan ni Mayor Lyndon Bruce ang suspek kung saan itinurn-over naman sa istasyon ng pulisya. | J.C Malabanan, BChannel News

About Author