Patay sa pamamaril-patay ang isang lalaki na tumatakbong barangay kagawad sa Brgy. Maingaran, Masbate noong Linggo ng hapon.
Kinilala ang nasawi na si Juvy Pintor, kandidato ng barangay kagawad habang sugatan ang incumbent barangay chairman na si Joseph Martinez, 59 anyos.
Sa ulat ng pulisya, nagpang-abot umano ang grupo ni Joseph at ang grupo ng kanyang katunggali na si aspirant Candidate Brgy. Capt. Dolores Inopia, sa isang burol.
Dahil dito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawang grupo na nauwi naman sa kaguluhan hanggang sa humantong sa putukan na nagresulta sa pagkasawi ni Juvy at ikinasugat ni Joseph.
Sa kasalukuyan ay pinaghahanap ng pulisya ang walong suspek na pinaniniwalaang mula sa grupo ni Dolores Inopia na kandidatong Brgy Captain.