fbpx

1 patay, 1 sugatan sa banggaan ng trak, motorsiklo sa Bauan, Batangas

Patay ang isang 25-anyos na lalaking rider habang sugatan ang 23-anyos na babaeng backrider nang sumalpok at bumangga ang kanilang motorsiklo sa isang trak sa Mabini-Bauan Road sa Brgy. San Miguel, Bauan, Batangas, nitong Martes.

Ayon sa report ng Bauan Police, habang binabaybay ng motorsiklo ang naturang daan ay sumalpok ito sa likurang bahagi ng truck.

Dahil dito, nagtamo ng grabeng sugat ang mga biktima.

Nadala pa sila sa Hospital ngunit binawian naman ng buhay ang driver ng motor samantalang naka-confine ang angkas nito.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na nasa impluwensya umano ng alak ang mga biktima nang mangyari ang insidente.

Nasa kustodiya ng pulisya ang driver ng truck habang patuloy na isinasagawa ang imbestigasyon.

About Author