Mainit ang naging pagtanggap ng mga residente ng Barangay Mabalanoy sa San Juan, Batangas ngayong araw ng Huwebes, Marso 13 sa pagbisita ng grupong Pamilya Ko Partylist.

Ang nasabing grupo ay kumakatawan sa sektor ng mga Pilipinong namumuhay sa hindi tradisyunal na porma ng pamilya, na siyang pangunahing adbokasiya ng kanilang partido.
Ayon kay 2003 Bar Top Notcher Atty. Anel Diaz, pangunahing layunin ng Pamilya Ko Partylist na isulong ang pantay na karapatan at interes ng mga tinatawag na non-traditional o modern Filipino families.
Kabilang sa mga tinututukan ng grupo ang mga pamilya sa ilalim ng tinatawag nilang “LOVABLES,” na nangangahulugang live-in partners, OFW families, mga biktima ng domestic abuse, adoptive families, blended families, LGBTQIA unions, extended at elderly families, solo at/o single parents.

Binibigyang-diin ng grupo ang kanilang adbokasiya para sa lahat ng pamilyang Pilipino, anuman ang kanilang anyo.
Ayon sa pahayag ni Atty. Diaz, hindi sila katulad ng ibang partylist, sapagkat tunay nilang isinusulong ang pagkakapantay-pantay at pagkilala sa iba’t ibang klase ng pamilya sa modernong panahon.

Marami ang nagpakita ng interes sa mga programa ng grupo at umaasang maipaglalaban nito ang kanilang mga karapatan sa mas mataas na antas ng pamahalaan.

Patuloy na mag-iikot ang Pamilya Ko Partylist sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang ipalaganap ang kanilang mensahe at adhikain para sa mga modernong pamilyang Pilipino. || BChannel NEWS