Patay ang isang mangingisda matapos tamaan ng kidlat sa ulo habang sugatan naman ang kanyang kasamahan sa karagatang sakop ng Capiz, bandang alas-3 ng madaling araw nitong Biyernes, Oktubre 24.
Kinilala ang nasawi na si Alfie, 26 anyos, tubong Culasi, Antique at residente ng Kalibo, Aklan. Ayon sa rescuer na si Jomar, pauwi na sana ang dalawa mula pangingisda nang abutan ng ulan na may kulog at kidlat.
Mismong nakita umano ni Jomar nang tamaan ng kidlat ang kanilang bangka at biglang umapoy.
Dead on the spot si Moreño matapos tamaan sa ulo, habang tinamaan naman sa likod at braso ang kanyang kasama na ngayon ay ginagamot sa Aklan Provincial Hospital.
Rumesponde sa lugar ang Coast Guard at MDRRMO Kalibo para sa agarang pag-rescue at paghatid sa mga biktima.