Matagumpay na inilunsad ang Accent Crest – PonteFino Estates sa isang seremonya noong Marso 22, 2025, sa Malvar Tent, PonteFino Hotel, Batangas City.




Pinangunahan ng mga pangunahing opisyal ng PonteFino Group ang grand launch, kabilang sina Ms. Chary Francisco, Vice President for Marketing ng PonteFino Group; Mr. JT Garcia, Vice President for Sales ng PonteFino Estates; at Ms. Fely Ramos, Chief Operating Officer ng PonteFino Estates.




Dumalo rin ang iba’t ibang stakeholders, investors, at prospective homeowners upang masaksihan ang opisyal na pagpapakilala ng Accent Crest, isang premium residential community na naglalayong magbigay ng modernong pamumuhay sa Batangas.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Ms. Chary Francisco ang pangako ng PonteFino Estates na magdala ng world-class na tahanan sa mga Batangueño. Samantala, sinabi naman ni Mr. JT Garcia na malaki ang potensyal ng Accent Crest bilang isang ideal investment para sa mga naghahanap ng high-value properties sa lumalawak na real estate market ng Batangas.




Ayon kay Ms. Fely Ramos, ang proyekto ay bahagi ng patuloy na pagpapalawak ng PonteFino Estates upang tugunan ang pangangailangan ng mga pamilyang naghahanap ng eleganteng tahanan na may modernong disenyo at maunlad na komunidad.
Ang Accent Crest ay inaasahang magiging isa sa mga pinaka-premyadong residential developments sa Batangas City, na mag-aalok ng eleganteng arkitektura, dekalidad na amenities, at prime location na malapit sa commercial hubs at business districts. | JPamintuan, BChannel NEWS