Inimbitahan ang Balisong Channel ng Pontefino Estates para sa isang rest and relaxation experience sa Pontefino Hotel Batangas, sa Batangas City kasabay ng engrandeng pagbubukas ng kanilang signature restaurant, Pastorelli, nitong Marso 21, 2025.

Bilang isa sa mga unang nakatikim ng mga inihahain sa Pastorelli, natikman ng Balisong Channel team ang signature menu ng restaurant.




Sa naging panayam ng Balisong Channel News kay corporate executive chef na si Stephen George Bustamante, na may higit 17 taong karanasan sa internasyonal na pagluluto.

Ayon kay Chef Bustamante, ang Pastorelli ay binuo upang magbigay ng de-kalidad na pagkain sa mga bisita ng Pontefino Hotel.
Dagdag pa niya, binibigyang-pansin nila ang pangangailangan ng bawat customer, kabilang ang may mga dietary restrictions o espesyal na kahilingan.




Samantala, sinabi ni Vice President for Marketing Pontefino Group, Chary Benavidez Francisco, na kasabay ng pagbubukas ng Pastorelli, inilunsad din nila ang kanilang Summer Getaway Promo na tatagal hanggang Abril 31, 2025. Sa halagang ₱6,500, maari nang mag-overnight stay sa Executive Suite para sa dalawang tao, na may kasamang buffet breakfast at dining credits na ₱1,500 para sa Pastorelli Restaurant.

Ipinaliwanag din ni Ms. Francisco ang pinagmulan ng pangalan ng Pastorelli, “Pastorelli restaurant actually came from the word “Pastor” which is the family name of the land owner where we purchase the land from Pontefino Hotel, So Pastorelli sounds itallian but in reality its not, its actually a mix of Filipino and international cuisine, so we have the best in terms western italian food and of course our batangas favorites including the specality items of Pontefino Hotel, that has been there for more than 20 years already,” saad ni Ms. Francisco.

Layunin ng Pastorelli na maging isang global dining destination, hindi lang para sa mga lokal na residente kundi pati na rin sa mga Pilipino abroad at mga bisitang mula sa Metro Manila at iba pang panig ng bansa.




Para sa karagdagang impormasyon at reservations, maaaring bisitahin ang Pontefino Hotel at Pastorelli sa Facebook at Instagram, o sa kanilang website na pontefinohotel.com. | JMPamintuan, BChannel NEWS