Patay ang isang lalaki matapos umanong bugbugin sa isang rambulan sa Upper Balatik, Brgy. Tatala, Binangonan, Rizal nitong Linggo, Marso 23, 2025.
Ayon sa imbestigasyon ng Binangonan Municipal Police Station, bandang 12:40 PM, lasing umano ang biktimang si alyas Joel nang komprontahin ang suspek na si alyas Herminigildo. Nauwi ito sa mainitang pagtatalo na kalaunan ay humantong sa bugbugan.
Dahil sa matinding pinsala sa katawan, isinugod si Joel sa Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.
Samantala, humiling ng autopsy examination ang nakababatang kapatid ng biktima upang matukoy ang eksaktong sanhi ng kanyang pagkamatay. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. | BChannel NEWS