Umabot na sa 109 ang kumpirmadong nasawi sa malawakang flash flood na tumama sa Texas Hill Country noong Hulyo 4. Ayon kay Governor Greg Abbott, may 161 pang tao ang itinuturing na nawawala.
Pinakamalupit ang epekto sa Kerr County, kung saan nadiskubre ang 94 bangkay, marami rito ay mga bata.
Sa Camp Mystic, isang girls’ summer camp sa Hunt, nasawi ang 27 campers at counselors, kabilang ang camp co‑director na si Dick Eastland, habang 5 campers at 1 staff ang nawawala.
Dahil sa biglaang pagpatak ng ulan sa loob ng tatlong oras, tumindi ang pag-apaw ng Guadalupe River—tumaas ng 22–26 talampakan sa loob ng dalawang oras .
Ayon sa mga eksperto mula sa Texas A&M at Weather Prediction Center, lumalala ang ganitong malakas na ulan dahil sa climate change, kung saan mas maraming moisture ang naiipon sa atmospera.
Binatikos ang lokal na pamahalaan dahil sa kawalan ng warning system at sirena sa Kerr County habang marami ang natulog nang biglaang tumaas ang tubig .
Ayon sa mga opisyal, hindi nila inaasahan ang bilis ng pagbaha—pero dali-dali nang nagsisiyasat upang pag-aralan ang kakulangan sa sistema .
Patuloy ang rescue at recovery operations kasama ang state at federal teams. | BChannel NEWS Intern | J. Rosas, M. Pilapil, J. Glinogo & K. Acusa