Isang bagong Executive Order ang ipinalabas ni Mayor Atty. Nene Bainto ng Bayan ng Taal, Batangas para isulong ang open at people-centered governance.
Sa ilalim ng panibagong kautusan, binibigyang halaga ang partisipasyon ng bawat Taaleño sa paggawa ng polisiya, pagpapatakbo ng mga proyekto, at pagtutok sa serbisyo publiko.
Itinatag din ang isang Municipal Development Council kung saan makikilahok ang mga miyembro ng civil society, pribadong sektor, at mga organisasyon ng mamamayan.
Kabilang sa mga pangunahing laman ng EO ay ang mga sumusunod:
Participatory Governance – Magkakaroon ng Municipal Development Council na binubuo ng iba’t ibang sektor gaya ng NGOs, private groups at marginalized communities, para magbigay ng suhestiyon sa mga proyekto’t programa.
Transparency at Accountability – Magkakaroon ng mas bukas na access sa impormasyon at mekanismo para makasali ang mga mamamayan sa pagbuo ng mga polisiya at serbisyo.
Anti-Epal Policy – Mahigpit na ipinagbabawal ang paglalagay ng pangalan, mukha, o simbolo ng sinumang opisyal sa mga proyektong pinondohan ng bayan. Lahat ng proyekto ay para sa tao, hindi sa political promotion.
Digital Governance at Ease of Doing Business – Isusulong ang digitalization sa serbisyo ng munisipyo gaya ng online clearances, permit applications at feedback systems.
Competent and Agile Bureaucracy – Tututukan din ang regular na performance assessment ng mga kawani, at pagbibigay ng training at professional development para sa mas episyenteng serbisyo publiko.
Layunin ng hakbang na ito ang mapalakas ang tiwala ng mamamayan sa pamahalaan, at tiyakin na ang bawat proyekto at serbisyo ay para sa bayan, at hindi para sa pansariling interes. | via JMPamintuan, BChannel NEWS


