Sa press briefing kanina, ibinunyag ni Sec. Vince Dizon na iniimbestigahan ang P4.7 bilyong halaga ng air assets na nakarehistro sa pangalan ni Ako Bicol Rep. Zaldy Co at iba’t ibang kumpanya.
Ayon kay Dizon, may sulat na ipinadala ang Civil Aviation Authority hinggil dito at nakipag-ugnayan na rin sila sa AMLC, DOJ, at iba pang ahensya.
Giit ni Dizon, hindi sapat na makasuhan lang, dapat maibalik din ang pera ng taumbayan.
Dagdag pa niya, nag-request na ng freeze order ang NBI, at binalaan ang publiko na mag-isip muna bago bumili ng mga sasakyang posibleng madamay sa kaso.
Kahapon, isiniwalat ni dating DPWH assistant district engineer Brice Hernandez na dinadalhan ng mahigit P1 bilyong cash sa penthouse si Rep. Zaldy Co sa Taguig. | BChannel news