Patay sa pamamaril ang isang babae habang nasa loob ng SUV sa Spine Road, Barangay Sta. Anastacia, Sto. Tomas City, Batangas kaninang umaga, Setyembre 25.
Ayon sa Sto. Tomas City Police Station, bandang ala-1:35 ng madaling araw, natuklasan ang isang puting SUV na may plate number NGB 2137 na may tama ng bala. Ang insidente ay na-report sa Sto. Tomas City Police Station bandang alas-3:15 ng umaga.
Rumesponde ang mga pulis na sina Patrolman Darwin Maralit at Patrolman Jonard De Guzman. Pagdating sa lugar, natagpuan nila ang isang babae sa driver’s side ng sasakyan na may tinamong bala. Agad siyang dinala sa St. Cabrini Medical Center, ngunit idineklara siyang Dead on Arrival.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng Scene of the Crime Operatives o SOCO ang insidente. Ang biktima ay nakilala sa pangalang Kimberly, habang ang suspek ay nananatiling hindi pa tukoy.
Patuloy na iniimbestigahan ng Sto. Tomas City Police Station ang kaso at inaalam na rin ang motibo sa krimen. | BChannel news