Kinumpirma ng PHIVOLCS na “doublet earthquake” ang magkasunod na malalakas na lindol na tumama sa Davao Oriental nitong Biyernes, Oktubre 10.
Ayon kay PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol, ang magnitude 6.8 na lindol sa Manay ay hindi aftershock ng naunang magnitude 7.4 quake, kundi isang hiwalay na seismic event na dulot ng parehong fault system.
Ipinaliwanag ni Bacolcol na nangyayari ito kapag naglalabas ng stress ang mga fault o trench na nagti-trigger ng magkahiwalay na lindol.
Dagdag pa niya, hindi ito ang unang beses—nangyari rin ito sa Hinatuan noong Disyembre 2023.
Patuloy ngayon ang pagsusuri ng PHIVOLCS sa koneksyon ng dalawang lindol.