Nanawagan si Batangas 1st District Representative Leandro Legarda Leviste kay DPWH Secretary Vince Dizon na agad magsagawa ng malalim na reporma sa ahensya upang tuldukan ang umano’y talamak na korapsyon at sabwatan sa pagitan ng ilang opisyal at mga kontratista.
Sa panayam ngayong Biyernes, ibinunyag ni Leviste na may mga opisyal umanong konektado sa mga contractor, kabilang si Undersecretary Arrey Perez, na sinasabing malapit kay Secretary Dizon.
Ayon kay Leviste, hindi sapat ang pagpapalit ng mga tao sa bidding process kung hindi naman mababago ang mismong sistema.
Giit niya, mas mahalagang maging transparent sa budget at presyo ng mga proyekto upang maiwasan ang kickback at katiwalian.
Para kay Leviste, ang tunay na solusyon ay malawakang reporma sa polisiya ng DPWH at hindi lang simpleng pagpapalit ng mga opisyal.