Inaresto ng Tanauan Component City Police Station ang isang 47-anyos na lalaki na kilala bilang Ronald, matapos na mang-agaw ng iPhone 15 at saktan ang dalawang residente ng Barangay Wawa, Tanauan City.
Ayon sa imbestigasyon ng Tanauna City Police, bandang 1:50 ng madaling araw ng Nobyembre 4, habang natutulog si Lars, naramdaman niyang may kumukuha ng kanyang cellphone.
Agad niyang nakita ang suspek at sumigaw ng “Magnanakaw!” na nagising naman sa kanyang nakababatang kapatid.
Sinubukan ng suspek na tumakas ngunit nang pigilan siya ng mga biktima, gumamit siya ng kutsilyo. Nagkaroon ng pag-aaway kung saan nakuha ng mga biktima ang armas, dahilan upang magkasugat ang dalawa.
Narekober mula sa suspek ang isang folding knife na may habang walong pulgada. Kasalukuyang inihahanda ng pulisya ang kasong Robbery with Physical Injuries laban sa suspek sa tanggapan ng City Prosecutor ng Tanauan.