Inaresto ng Lipa Component City Police Station nitong Nobyembre 16, ang isang lalaki na si Juan, 43 anyos, at nakatira sa Barangay Kayumanggi sa Lipa City, Batangas sa paglabag sa Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Ayon sa imbestigasyon, may naobserbahan na isang lalaki na nakasuot ng brown na t-shirt, maong na pantalon, asul na sumbrero, at tsinelas na naglalakad sa lugar na may nakatago sa kanyang kanang baywang na baril. Agad na rumesponde ang intelligence team ng Lipa CCPS at matagumpay na naaresto ang suspek.
Sa pag-aresto, natagpuan sa kanya ang isang Smith and Wesson caliber .38 revolver, na may apat na bala, subalit walang maipakitang valid license o dokumento para sa baril. Ang narekober na baril at bala ay maayos na naitala at na-inventory sa presensya ng barangay official.
Ang kaso laban kay Juan ay kasalukuyang inihahanda para isumite sa Lipa City Prosecutor’s Office para sa pormal na pagsasampa ng reklamo. | BChannel news