Binatikos ni Senate Finance Committee Chair Sen. Sherwin Gatchalian ang pahayag ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co tungkol sa umano’y P100-bilyong budget insertion.
Ayon kay Gatchalian, hindi lohikal at labag sa normal na proseso ng budget ang ilan sa mga claim ni Co.
Aniya, karaniwan na inilalagay ng Presidente ang priority programs sa simula ng National Expenditure Program, hindi sa huling minuto.
Pinaalalahanan din niya na ang mga maliliit na proyekto tulad ng secondary roads sa iba’t ibang lugar ay hindi tipikal sa presidential priorities.
Binigyang-diin ng senador na mahigpit ang Senado laban sa last-minute insertions sa bicameral conference, at patuloy nilang pinapalakas ang transparency sa budget deliberations.