Sinuportahan ng Committee on Basic Education ang House Bill No. 27 ni Batangas Rep. Leandro Legarda Leviste. Layunin ng panukala na magbigay ng P1,000 allowance sa lahat ng estudyante sa Pilipinas, mula kindergarten hanggang kolehiyo.
Ayon kay Committee Chairman Roman Romulo, ang unang hakbang ay isang beses na ₱1,000 kada estudyante sa simula ng school year. Target na masakop ang buong 9 hanggang 10 buwan ng akademikong taon, at may posibilidad pang tumaas ang halaga.
Sa Batangas, personal nang naglaan si Cong. Leandro ng ₱1,000 para sa mahigit 150,000 estudyante mula sa kanyang sariling bulsa.
Dahil sa tagumpay ng lokal na programa, naniniwala siya na dapat itong suportahan ng pambansang gobyerno para sa lahat ng estudyante sa bansa.
Aniya, “Kapag nag-invest ang gobyerno sa edukasyon, mas maraming Pilipino ang makakatapos ng pag-aaral. Uunlad ang ekonomiya, at magkakaroon ng mas magandang kinabukasan.”
Patuloy naman si Cong. Leandro sa Kongreso sa pagtataguyod ng mas malaking suporta at budget para sa sektor ng edukasyon, upang matulungan ang bawat estudyante at ang buong komunidad ng mga guro at paaralan sa bansa. | BChannel news