Narekober ng awtoridad noong Lunes, Nov 17, 2025 ang anim na pinaghihinalaang buto ng tao sa Taal Lake, Batangas, kasabay ng patuloy na paghahanap sa mga nawawalang sabungero.
Ayon sa Philippine National Police, kasama ng mga buto ang ilang piraso ng damit at isang tela na sako. Ipinasa na ang mga buto sa Scene of the Crime Operatives para sa pagsusuri.
Simula Oktubre 12, iniulat ng Department of Justice na nasa 887 na ang kabuuang buto ng tao na narekober sa ilalim ng Taal Lake.
Nagsimula ang paghahanap matapos ireklamo ni whistleblower Julie “Dondon” Patidongan na mahigit 100 sabungero ang dinukot, pinatay, at itinapon sa lawa. | BChannel news