Tatlong Batangueño ang nakapasok sa topnotcher sa katatapos lang na November 2025 Pharmacists Licensure Examination, batay sa opisyal na dokumento ng Professional Regulation Commission o PRC nitong Biyernes, Nov 21.
Si Sean Jan Diomampo Ilagan mula sa Lyceum of the Philippines University-Batangas, Inc. ang nagtamo ng pinakamataas na marka na 95.47 porsyento.

Kasama rin sa Top 10 ang isa pang graduate mula sa parehong paaralan, si Lowell Adrien Mercado Manalo, na nakakuha ng 94.03 %
Kasama rin ang isa pang taga-Batangas mula sa Calaca City na si Darvin Andrien Patulot na nasa ika-lima na pwesto at nakakuha ng 95.15% mula sa DLSMHSI.

Kabilang sa mga unibersidad na nakapag-produce ng top-ranking examinees ang Our Lady of Fatima University-Valenzuela, University of San Carlos, University of Santo Tomas, at University of the Philippines-Manila. | BChannel news