Dalawang iskolar mula sa Batangas State University–Alangilan ang kabilang sa topnotchers ng November 2025 Chemical Engineers Computer-Based Licensure Examination, batay sa opisyal na dokumento ng Professional Regulation Commission o PRC.

Nanguna sa buong bansa si Abell Armamento Alcantara, na nagtala ng 90.30% at siya ang highest-ranking examinee ngayong taon. Pumasok naman sa ika-apat na puwesto si Johncel James Villalobos Dela Rosa mula rin sa BatStateU-Alangilan, na may rating na 87.80%.
Kasama sa Top 10 ang iba pang mga pumasa mula sa mga kilalang unibersidad tulad ng UP Diliman, De La Salle University-Manila, at Saint Louis University.

Tatlong unibersidad ang nagtala ng perfect 100% passing rate: UP Diliman, DLSU-Manila, at Mindanao State University-Iligan Institute of Technology.
Sa kabuuan, pumuwesto ang Batangas State University – Alangilan sa ika-9 na ranggo sa listahan ng top-performing schools, na may 83.15% passing rate mula sa 89 examinees nito. | BChannel news