Patay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin sa Sitio Siitan, Barangay San Isidro, Candelaria, Quezon pasado alas-11:30 ng umaga nitong November 22.
Ayon sa Candelaria Police, pauwi na ang mga biktima sakay ng motorcycle nang biglang sumulpot ang suspek at pinaputukan sila nang sunod-sunod. Tinamaan ang dalawa sa iba’t ibang bahagi ng ulo at katawan na agad nilang ikinamatay.
Kinilala ang mga biktima na sina Vic, 22-anyos, helper, at ang kanyang kamag-anak na si Reynaldo, 35-anyos, isang magsasaka; kapwa residente ng San Isidro, Candelaria.
Tinukoy ang pangunahing suspek na si Jones, nasa hustong gulang, walang trabaho, at residente rin ng nasabing barangay, kasama ang ilan pang hindi nakikilalang kasabwat na ngayon ay pinaghahanap pa.
Agad rumesponde ang SOCO team mula sa Quezon Provincial Forensic Unit para sa crime scene processing. Habang isinusulat ng Balisong Channel news team ang balitang ito ay nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo sa krimen. | BChannel news