Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang palutang-lutang sa dagat sa bahagi ng Asia Brewery Pier, sa Barangay Pinamucan Ibaba, Batangas City nitong Nobyembre 23, 2025.
Ayon sa Batangas City Police, bandang 3:30 ng hapon nang madiskubre ni Ronnie, 53 anyos, isang driver mula Cabuyao, Laguna, ang katawan ng biktima na nakadapa sa tubig.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, agad na iniahon ang biktima at dinala sa Batangas Medical Center upang bigyan ng lunas. Ngunit idineklara siyang dead on arrival ni Dr. Bautista bandang 5:41 ng hapon.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang maberipika ang sanhi ng pagkamatay at ang pagkakakilanlan ng biktima na kilala sa initial na Lem. | BChannel news