Isang lalaking ang nasawi matapos pagbabarilin sa tapat ng kanyang tindahan sa Damballelos Street, Barangay District 4, Balayan Batangas pasado alas-7:30 ng gabi nitong Nobyembre 26, 2025.
Sa paunang imbestigasyon ng Balayan Municipal Police Station, abala umano ang biktima na si Jerome sa pag-aayos ng kanyang puwesto nang dumating ang suspek na si Gonz.
Ayon sa mga nakasaksi, bigla na lamang itong bumunot ng baril at dalawang beses na pinaputukan ang biktima nang walang anumang dahilan.
Narekober sa pinangyarihan ang dalawang basyo ng bala ng .40 caliber, na patunay sa ginamit na armas ng suspek.
Mabilis namang tumakas ang gunman sakay ng motorsiklong hindi nakuha ang plate number, at tumungo sa hindi pa matukoy na direksyon. Nakasuot umano ito ng shorts at t-shirt nang mangyari ang insidente.
Patuloy ngayon ang follow-up operations ng mga pulis para sa agarang pagkakahuli sa suspek at para matukoy ang motibo sa krimen. | BChannel news