Dalawang graduates ng Batangas State University, The National Engineering University Alangilan Campus ang pumasok sa Top 10 ng katatapos na November 2025 Civil Engineer Licensure Exam.
Pasok sa ika-6 na puwesto si Engr. Eduard Anthony Camano ng Balayan, Batangas na may rating na 90.35%. Sumunod naman sa ika-9 na puwesto si Engr. John Lester Galit mula Padre Garcia, Batangas na may 90 percent rating.

Base sa inilabas na resulta ng Professional Regulation Commission, 4,268 lamang ang pumasa mula sa 14,043 na kumuha ng Civil Engineer Licensure Exam na ginanap noong Nobyembre 28 sa iba’t ibang testing centers sa bansa.
Pinangalanan din ng PRC ang University of the Philippines–Diliman bilang top-performing school ngayong taon, kung saan 79 sa 83 examinees ang pumasa, katumbas ng 95.18 percent passing rate.
Samantala, nakuha ni Jonathan Conrad Go Yu ng University of San Carlos ang top rank sa buong bansa matapos magtala ng 91.75 percent rating. | BChannel news