Nag-turn over ng P110 milyon sa gobyerno ang sinibak na DPWH Bulacan district engineer na si Henry Alcantara bilang bahagi ng “restitution” kaugnay ng kontrobersiyang flood control fund scam.
Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, isinuko ang pera sa pamamagitan ng abogado ni Alcantara at sasailalim muna ito sa bank verification bago ibigay sa Bureau of the Treasury.
Si Alcantara, na dati nang natanggal sa serbisyo, ay iniugnay sa iregularidad sa mga flood control at infrastructure allocations.
Sa ngayon, nakakulong siya sa Senate facility matapos i-contempt ng Senate Blue Ribbon Committee.
Inirekomenda na rin ng Independent Commission for Infrastructure ang pagsasampa ng kaso sa Ombudsman laban kay Alcantara at ilang opisyal ng DPWH dahil sa umano’y maanomalyang proyekto sa Bulacan. | BChannel news