Nasamsam ng mga awtoridad ang tinatayang P5.4 milyon halaga ng ilegal na droga sa Breezewoods GenTri Homes Subdivision sa Barangay Pasong Kawayan 2 sa General Trias, Cavite nitong December 2, 2025.
Ayon kay PLTCOL Bismark S. Mendoza, Chief of Police ng GTCCPS, tumugon ang kanilang mga tauhan bandang alas-9 ng umaga matapos makatanggap ng ulat mula sa isang concerned citizen na kilala Dolly.
Sinabi ng nag-ulat na nakarinig siya ng malalakas na ingay noong nakaraang gabi at nakakita ng isang dalagang nagtatago sa labas ng kwarto ng kanilang amo. Pansamantalang pumasok ang babae sa loob ng bahay bago tumakas palabas ng front door.
Kinabukasan, natuklasan ng may-ari ng bahay ang isang kahon na nakatago at mukhang diksyunaryo lamang. Pagbukas nito, nakita ang ilang plastic bag na naglalaman ng puting kristal na substance. Nakuha ng mga pulis ang walong medium plastic bag at dalawang maliit na sachet ng shabu na may bigat na 799.93 gramo, na may tinatayang halaga na P5,439,524.
Ayon sa PNP General Trias, lahat ng nakuhang ebidensya ay maayos na ini-inventory at isinumite sa PNP Forensic Laboratory para sa masusing pagsusuri. | BChannel news