Nagpasalamat si Batangas Rep. Leandro Leviste kay DPWH Secretary Vince Dizon sa pagtanggal ng isang Assistant Secretary at isang Director IV na may koneksyon sa mga kontratista.
Ayon kay Leviste, maraming opisyal sa DPWH ang may ugnayan sa contractors, kaya’t nangako si Dizon ng imbestigasyon.
Ang dalawang opisyal ay dinala ni Undersecretary Arrey Perez, na nagbitiw noong Oktubre 17, at may kaugnayan umano kay Construction Workers Solidarity Partylist Rep. Edwin Gardiola. Tinatayang nakakuha ang mga kumpanya ni Gardiola ng mahigit P100 bilyon na proyekto mula sa DPWH.
Ipinakita ni Leviste sa media ang liham mula kay Dizon na nagpapatunay sa pagtanggal ng dalawang opisyal.
Sinabi niya na hindi alam ni Dizon na sila ay contractors at pinuri niya ang mabilis na aksyon ng DPWH.
Dagdag pa niya, hindi na niya ipapaliwanag ang iba pang detalye, dahil nakumpirma na ang pagtanggal ng dalawang opisyal at hindi na sila makikialam sa DPWH. | BChannel news