
Matagumpay na naisagawa ang kauna-unahang Karate class ng Shotokai Karate-do Union of Batangas katuwang ang Barangay Sorosoro Ibaba sa Batangas City para sa mga kabataan ngayong Sabado, December 06.

Idinaos ang programang ito sa covered court ng barangay at sinimulan pa noong August 23, 2025.

Sa loob ng mahigit tatlong buwan, tinuruan ang mga kabataan ng disiplina, self-defense, at tamang paggalaw sa ilalim ng Shotokai training.
Buong suporta naman ang ipinakita ng mga opisyales ng barangay at mga magulang sa naturang programa para sa mga kabataan.
Layunin ng proyekto na hikayatin ang healthy lifestyle at paghubog ng karakter sa komunidad.
