Dalawang magkahiwalay na buy-bust operation ang ikinasa ng Batangas City Police na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang street-level drug personalities sa Brgy. Balagtas at Brgy. Cuta.
Unang operasyon, 5:40 ng hapon, December 5 sa Brgy. Balagtas. Nahuli ng City Drug Enforcement Team si Joan matapos mahuli sa aktong pagbebenta umano ng shabu.
Nakumpiska ang isang sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 0.19 gramo at halagang higit isang libong piso, pati na ang P500 marked money.
Sumunod na operasyon, 1:32 ng madaling-araw, December 6 sa Brgy. Cuta. Arestado naman ang suspek na si Cholen matapos makumpiskahan ng isang sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 0.20 gramo at marked money na P500.
Parehong sinampahan ng kasong paglabag sa Section 5 ng RA 9165 ang dalawang suspek at kasalukuyang nakakulong sa Batangas City Police custodial facility habang inihahanda ang kaso para sa piskalya. | BChannel news