Natagpuan ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang lalaki sa tabi ng kalsada sa Sampaloc Road, Sitio Bayucan, Barangay Sampaloc, Tanay, Rizal pasado alas-8:30 ng umaga nitong December 7, 2024.
Ayon sa Tanay Municipal Police Station, nakatanggap sila ng impormasyon bandang 9:25 AM at agad na rumesponde ang team na pinamunuan ni PLTCOL Arnel Tabaog.
Base sa imbestigasyon, isang saksi ang nagbigay-alam matapos nilang makita ang bangkay habang nagjo-jogging kasama ang kanyang mga kaibigan. Napansin nila ang lalaki na nakahandusay sa damuhang bahagi sa gilid ng kalsada, may taling kamay, at kalahati ng ulo ay nakabalot ng masking tape.
Ang biktima ay tinatayang nasa edad 45 hanggang 50, may taas na 5’7”, medium build, nakasuot ng kulay gray long sleeves at dark gray na pantalon.
Humiling na rin ang Tanay MPS ng tulong mula sa Provincial Forensic Unit para sa technical investigation. Samantala, isasailalim ang katawan sa autopsy upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay at posibleng pagkakakilanlan ng biktima. | BChannel news