Nagbabala ang Philippine Drug Enforcement Agency laban sa paglaganap ng “Peyote,” isang cactus na naglalaman ng mescaline, isang delikadong droga na sanhi ng hallucination at pagkawala sa kondisyon.
Ayon kay PDEA Director General Isagani Nerez, may mga ulat na mabibili ang Peyote sa ilang online platforms.
Maaari itong inumin, ipulbos, o ipagsama sa paninigarilyo, at kapag naabuso ay nagdudulot ng malubhang panganib sa kalusugan at kaligtasan ng tao.
Binigyang-diin ni Nerez na ang Peyote ay hindi pang-dekorasyon, at hinihikayat ang publiko na i-report agad ang anumang bentahan o nakikitang halaman sa kanilang lugar.
Layunin ng PDEA na protektahan ang mamamayan laban sa mapanganib na substance. | BChannel news